Thursday, October 29, 2009

LTO's RFID scheme

Noong 2007, ang kontrata ng STRADCOM sa computerization ng LTO ay nagtapos na. Subalit dahil nakasaad sa kontrata na "HAWAK NILA SA LEEG" ang LTO, dahil sa pagtatapos ng kanilang kontrata ay dadalhin nila ang mga computer hardware at software, at ang ititira ay ang DATA lamang, nanatili ang STRADCOM sa LTO. Patuloy sa paninigil ng COMPUTER FEE kahit na ang DATA ng bawat sasakyan ay naka-encode na at wala ng dapat pang i-build up o i-data entry. Patuloy ang pagkulekta ng STRADCOM ng bayad, dahil walang kumukwestiyon, sa ilalim ng ilong ng mga motorista.

Sa kabila nito, ang pamunuan ng DOTC at ng LTO ay humingi ng mas malaking "PARTE", ibig sabihin, patong, lagay, kickback, etc, dahil nga naman, tubong lugaw na ang STRADCOM dahil dapat tanggal na nga sila. Syempre pa, medyo nagpakipot ang pamunuan ng STRADCOM at nagmungkahi na magdagdag na lang ng mga singilin sa motorista dahil anila, mga bobo naman at hindi aangal. Kung may aangal man, kokonti lang dahil gaano na lang ba ang sisingilin eh minsanan lang naman ang bayaran isang taon. At anila, may pera ang mga motorista dahil naka-sasakyan nga. Dito na ipinatawag ng STRADCOM ang kanilang mga "money making" thinktank upang umisip ng mga paraan kung paano pa makaka-kolekta ng dagdag kita upang lalo pa silang magkamal ng salapi.

Unang pinalusot ay ang tinatawag na INTER-CONNECTION FEE daw. ito ay karagdagang P70.00 pesos kapag ikaw ay nagpa-smoke belching test. Napansin ba ninyo, bukod sa P350.00, eh may naka staple pang resibo na P70.00? Me narinig ba kayong angal? me umapila ba? wala di ba. e ano nga ba yung P70.00 peso eh naka Honda CITY ka naman. chicken feed!!!

YUN ANG BASIS NG STRADCOM, walang aangal dahil barya lang ang sinisingil nila. Naunawaan nyo ba kung ano yung inter-connection fee? Malay mo nga naman diba, nadale na kayo dun pero okay lang kayo kasi nga P70.00 lang.

But wait!!!, 8 million registered vehicles X 70.00 = 560 million pesos na walang kahirap hirap. EVERY YEAR HA. Malaki din pala nadudugas namin sa
inyo. Aangal na ba kayo?

Pero dahil mga buwaya nga, talagang walang kabusugan. Kaya pinulong ulit
ng mga hunghang ang mga evil brains para utusan na, "Pigain na natin ng
husto ang mga bobong motorista, bayad naman ng bayad eh". At dito na
ipinanganak ang unang plano na "Car info sticker" kung saan didikitan ng
sticker ang mga sasakyan, nakalagay dito ang mga detalye na makikita din
naman sa "Certificate of Registration" o "CR", at sisingilin nila ng
P300.00 yung sticker. Di syempre sangkatutak na angal ang inabot nila.
Napigilan ito, hindi napatupad. Bulilyaso! eh kasi nga walang bahid High
Tech. Mantakin mo nga naman na sticker lang tapos ang impormasyon eh nasa CR na din, hindi umubra. Ipa-photocopy (reduced) na lang yung CR at idikit sa windshield, sabi ng mga pilosopo kaya na-abort yung evil plan number 1.

Pero hindi agad susuko ang evil brains ng STRADCOM, kailangang magmadali
dahil dapat magkapera at ma-implement ng October. Na browse sa internet
ng mga IT gurus ang tungkol sa RFID, at iminungkahi agad kahit na hindi
pang vehicle talaga. Napagkasunduang, pwede, at inaprubahan agad. Ang
siste, ang lalamanin lang ding impormasyon nito ay kung ano ang nakalagay
sa CR, pero, may bahid high tech na, kasi R.F.I.D. na. Naintindihan nyo ba
ang ibig sabihin ng RFID? Basahin nyo na lang sa last part.

Tatlong klase ang pwedeng gamit ng RFID:
1. sa simpleng paliwanag, parang tag lang ito, barcode or product code.
na ang corresponding data or information ay mare-retrieve mo sa main
computer gamit ang isang reader or scanner.
2. o kung ito ay may microchip, pwedeng mag store ng data dito at
marere-trieve din ang data gamit ang isang reader.
3. at ang pinaka delikado sa lahat, na maaring gamitin laban sa mga
motorista, PWEDE KANG I-TRACK ng ahensiya. RFID ang gamit sa mga producto sa mga dept stores na medyo mahal ang item at RFID din ang gamit sa mga cargo ng freight services.

Pero may pakinabang ba talaga tayo sa RFID kung ito ay gagamitin sa mga
sasakyan? WALA. ang tunay na gamit ng RFID ay para sa PRODUCT TAGGING,
INVENTORY, AT TRACKING. Sa mga producto para ma-track mo kung nasaan na yung location dahil kada daan nito sa isang area, nababasa ng reader ang RFID at alam na dumaan na ito. Maaaring naglalaman din ito ng info kung sino ang manufacturer, kung ano ang laman, timbang at kung saan ang destinasyon, dahil nakalagay na ito sa RFID o sa main database.

Alam ninyo, may malaking blunder ang kompanya namin dito eh, ang STRADCOM, dahil nag-implement kami ng information via TEXT lang kung saan ite-text nyo lang ang plate number, makukuha na information ng isang vehicle. Eh, imomodify lang namin yung info na binibigay ng TEXT project namin, at bigyan exclusivity sa mga enforcers lang ng LTO, nagawa na agad ang gustong gawin ng RFID System.

Di ko na nga lang masikmura ang kagarapalan ng mga amo namin na sobrang
magpayaman samantalang kami ang tumatrabaho eh nangungupahan pa din kami ng bahay. Anak ng toklang, ibuking ko na lang di ba.

Eto itanong ninyo sa STRADCOM para mabuliyaso sila.

Bakit kelangan ng i-implement ngayong October?
1-kasi pinipiga sila ng isang mataas na opisyal ng LTO na tatakbo sa
darating na halalan.
2-Kasi kung mapalusot nila ng October, tahimik ang november at December,
pag dating ng January parang may basbas na dahil nga nasimulan na ng
October at dapat mag start na ngayong October, kasi pag sa January mag
start, titirahin ng mga pulitiko, at baka tamaan pa ng ban.

Pag naka RFID ba, di na kelangan magpa stencil at magpasmoke-belching pag magpapa rehistro?
Kelangan pa din. Ano yung sinasabi nilang mapapabilis na rehistro? For your
info, walang mase-save na time sa pagpapa-rehistro ninyo, same procedure.

ANG KATOTOHANAN:

HINDI MAPAPABILIS ANG TRAPIKO GAMIT ANG RFID (ipadetalye ninyo sa STRADCOM ito)

HINDI BIBILIS ANG REGISTRATION PROCESS NG IYONG SASAKYAN GAMIT ANG RFID
(eto rin)

HINDI MAPIPIGIL NG RFID ANG MGA SMOKE BELCHERS (eto pa)

PWEDE KANG MA-TRACK KUNG NASAAN KA GAMIT ANG RFID SA IYONG SASAKYAN.

HINDI MAWAWALA ANG MGA KOLORUM GAMIT ANG R.F.I.D.

PWEDENG GAMITIN NG MGA KOTONG LTO ENFORCERS ANG R.F.I.D. (sasabihin lang ng LTO officer na sabi ng RFID hot car gamit mo)

Ang bottom line. WALANG PAKINABANG ANG CAR OWNER SA RFID, O MAGING ANG LTO. SIMPLE LANG ANG PURPOSE NITO: ISANG MONEY MAKING SCHEME ANG R.F.I.D DAHIL GENERALLY, NA SURMISE NAMIN NA ANG MGA OWNER NG VEHICLE AY WALANG PAKIALAM SA KANILANG BINABAYARAN DAHIL MAY PERA SILA, AT HANDANG MAGBAYAD
KAHIT ANONG SABIHIN NAMIN BASTA HINDI NILA NAIINTINDIHAN TULAD NG R.F.I.D.

HANAPAN NINYO ANG STRADCOM NG PROJECT STUDY, COMMUNICATION DOCUMENTS, SYSTEMS STUDY, SYSTEM DOCUMENTATION, IMPLEMENTATION PLANS, APPROVAL NG NATIONAL COMPUTER CENTER, AT MAGING KRITIKAL KAYO SA DATES DAHIL SINISUMULAN PA LANG NILANG GAWIN ANG MGA ITO.

AT ILALABAN NILA ITO NG DIKDIKAN, MAGHABOL NA KAYO SA KORTE IKA NGA NILA.
NAGSIMULA NA SILA NG COMMERCIAL SA TV DAHIL SA TINDI NG OPPOSITION DITO.
KAILANGAN NILANG ILUTANG ANG STRADCOM. BAKIT SUMUGAL ANG STRADCOM AT INEXPOSE ANG KANILANG TAHIMIK NA OPERATION EH KUMIKITA NA NGA SILA NG WALANG INGAY? DAHIL SA 2.8 BILLION NA KIKITAIN SA PROYEKTO SA LOOB LANG NG ISANG TAON AT DAHIL SA PRESSURE SA TAAS NA I-IMPLEMENT NA ITO, PARA MAKUHA
NA ANG PATONG.

Sabi nga ng ABS-CBN, AKO ANG SIMULA. Makialam tayo. Pigilin natin ang
pagpapatupad nito. I-forward sa lahat ng kaibigan niyong may saksakyan at
sana ay makarating sa inyong mga kongresista, sa mga senador, sa mga taga DOTC, taga LTO, at sa malacañang.

kung may oras ka pa, panoorin mo kung ano talaga ang gamit ng RFID

http://www.youtube. com/watch? v=yNPDgudPmXE& feature=related

http://www.youtube. com/watch? v=4Zj7txoDxbE& feature=related

http://www.youtube. com/watch? v=hPqUUR5OFJg& feature=related

http://www.youtube. com/watch? v=_Oa1GxctjRA

O kung gusto mo, mag-youtube ka at i-search mo ang RFID...

O, eto ang sabi ng wikipedia:
Radio-frequency identification (RFID) is the use of an object (typically
referred to as an RFID tag) applied to or incorporated into a product,
animal, or person for the purpose of identification and tracking using

radio waves. Some tags can be read from several meters away
and beyond the line of sight of the reader.
Most RFID tags contain at least two parts. One is an integrated circuit
for storing and processing information, modulating and demodulating a
radio-frequency (RF) signal, and other specialized functions. The second
is an antenna for receiving and transmitting the signal.
There are generally three types of RFID tags: active RFID tags, which
contain a battery and can transmit signals autonomously, passive RFID
tags, which have no battery and require an external source to provoke
signal transmission and battery assisted passive (BAP) which require an
external source to wake up but have significant higher forward link
capability providing great read range.


Today, RFID is used in enterprise supply chain management to improve the
efficiency of inventory tracking and management.


eto naman ang sabi ng http://www.rfidjour nal.com/article/ articleview/
1339/1/129/
Radio frequency identification (RFID) is a generic term that is used to
describe a system that transmits the identity (in the form of a unique
serial number) of an object or person wirelessly, using radio waves. It's
grouped under the broad category of automatic identification technologies.

Auto-ID technologies include bar codes, optical character readers and some
biometric technologies, such as retinal scans. The auto-ID technologies
have been used to reduce the amount of time and labor needed to input data
manually and to improve data accuracy.



No comments: