Monday, July 11, 2011

Spare the children!

The Tall Order
By Mon Datol
The Philippine Courier
Toronto, Canada
www.philcourier.com
Does DOJ Secretary Leila De Lima really wanted to know the real truth behind the Vizconde massacre of 1991 or she is just obsessed to be on the limelight, which is she getting now, with her wild ‘attack’ on Hubert and the whole Webb family?
Last year, the Supreme Court acquitted Webb and his 5 co-accused after noting that the prosecution had failed to prove the case beyond reasonable doubt. The state could not anymore file a case against the same set of suspects because of the principle of double jeopardy. But why is De Lima acting like she has her own Court that could again put Hubert and his companions in jail for the same offense?
Is De Lima above all courts in Manila?
****
And the NBI, why is it only now that it claims Webb did not leave Manila in March 1991, but, is not questioning Hubert’s coming back in October 1992? Ano ‘yon? May tatak ang passport ng dumating si Hubert, pero, walang tatak (daw) ang passport nito ng umalis patungong USA? Is it a case of “now you see him, now you don’t?” Magkano …err… papanong nangyari iyon, people of the Bureau of Immigration?
De Lima and the NBI presented six new witnesses who allegedly revealed Hubert was in the Philippines when the Vizconde massacre took place in 1991. The NBI and DOJ claimed the 6 witnesses passed the polygraph test, thus, De Lima believed in them. Polygraph test? Ginagamit pa ba yon sa Pinas? Ni hindi na yata tintanggap sa anumang korte ang polygraph test results, eh. Paano, madali na umano ‘talunin’ ang nasabing gadget ng kahit sinong ‘professional’ liar. Give one million pesos to anybody living in the slum and he will pass any polygraph testing. Kahit ano kayang gawin ng isang nagugutom para sa isang milyong piso. Kahit na si Bonifacio at si …
Rizal, siya ang pumatay!
****
June 30 ang deadline for the DOJ to file any charges against anybody suspected of committing crimes against the Vizcondes at habang tinitipa ko itong kolumn ko, eh, wala pa akong nababasang actions ni De Lima. Nagpunta pala ito sa USA two days ago possibly to investigate whether Hubert was really there in March – June 1991. Anyways, good luck to DOJ Secretary Leila De Lima kung may mahuhuli siyang mga bagong isda, ‘o madale niya si Hubert et al sa ibang klaseng kaso, dahil, never niyang makasuhan ulit for the same offense sina Hubert due to the ‘double jeopardy’ law sa Pinas.
Simple lang namang maso-solve ng NBI at DOJ ang kaso kung si Hubert ‘o mga kasama nito ang nang-rape at pumatay sa mga Viszconde eh. DNA testing at di polygraph testing ang dapat na ginawa ng NBI, i-exhume and bodies ng mga biktima, kunan ng samples, gayundin sina Webb at mga kasama at presto, in 20 days, lalabas ang resulta ng DNA at malalaman na ang tutoo, diba, mga kabayan? Hindi kaya ng NBI at DOJ? Eh, di patulong sa ….
CSI: New York! Hehehehe …
****
Meanwhile, lawyers of Hubert Webb are considering a possible disbarment case against Justice Secretary Leila de Lima. In a statement, lawyer Luis Agcaoili said: “She should not have jettisoned the findings of the Supreme Court because as a lawyer, she knows that.” Agcaoili, along with colleague Demetrio Custodio, said De Lima wanted to have the final word.
Ang problema ni De Lima, eh, kung palulusutin siya nina Sen. Tito Sotto at Ping Lacson sa Commission on Appointment ng Kamara dahil nga sa mga statements nito sa lahat ng TV, radio, at print media na para bang balewa sa kaniya ang SC decision acquitting Hubert Webb and company sa kaso ng Vizconde massacre. Tatakbo kasi si De Lima sa 2013 Senatorial election kaya’t this early ay pa-pogi.. err.. pa-ganda na siya sa media.
But, Malacanang spokesman Lacierda said they will defend De Lima and approved her recommendation to re-open the Vizconde massacre investigation. Of course, alangan namang ilaglag ng Palasyo ang isa nitong Cabinet Member kapag nasa balag ng alanganin, di ba, kabayan? Look, ni hindi nga nasapok man lang ‘o napitik sa tenga itong DILG Usec Rico Puno (hindi yong singer, ha?) ng pumalpak sa Luneta Park hostage incident, ‘o ng ma-balitang ‘jueteng’ protector last year. Paano …
Malalakas sila ke PNoy!
****
I am strongly against beauty contest among children aged 5- 12 here in Canada, especially if money is involved. Imagine, ang mga organizers ay magbibigay ng certain percentage points to any contestant who could SELL the most number of tickets and/or sponsorship/advertisements in the pageant’s souvenir program. Mapipilitan ang mga magulang ng mga batang ito na ‘mamalimos’ ‘o mambraso sa mga kamag-anak, kaibigan, kumpanya, individual, restaurants, salons, dental clinics, nagtitinda ng kape sa kanto-kanto, makalikom lamang ng maraming pera para sa anak na kandidata. Mayruon pa ngang “Money Contest’ ang labanan. Kung sino ang pinaka-maraming perang ipapasok sa kaban ng organizers, paniguradong mananalo!
Gadammet, anong klaseng mga tao itong mga organizers ng ito? Ang mga matatanda na lang ang harbatan at utuin ninyo!
Spare the children!
****
Sample? Ilang taon ng ginagawa ng isang non-profit, kuno, na organization ang magdaos ng “Beauty Pageant’ para sa mga Mader ng Toronto. Last year, nagkatalo ang laban sa final ng bilangan ng perang ipapasok ng limang kandidatang mga ‘Nanay/Lola’ na nating matatawag. Abante ang isang Nanay ng $150 lang. Nasilip ng isang ayudante ng No. 2 candidate. Ibinulong sa kaibigan. Nangutang kaagad ng $300 ang No. 2 at palihim na ipinasok sa kaban ng organizer at PRESTO! Panalo ang Tita Ko!!! Hep-hep, Horaayyy!
Sample2: Miss Little Philippines Toronto. Araw-araw na ginawa ng jaws ay naglalakad si Papa para makadale ng maraming advertisers at sponsors para sa anak na kandidata dahil ang alam niya ay ‘Money Contest’ ang nasabing pageant na nasalihan ng anak nila. Maganda at may talent talaga ang anak ng mag-asawa at dahil gustong makasiguro ay walang-tigil nga si Papa sa paghingi ng tulong sa marami niya ng kaibigan. OK. Ilang libo rin yata ang nadale ni Papa at talagang No. 1 sa kinita ang anak ni Papa. Pero, two days before the coronation nite ay sinabihan na ang mga magulang na 20% lang ang katapat ng kanilang perang nadale sa mga sponsors at advertisers! Salampak si Papa! Iyong nanalo, iisa lang ang ipinasok na sponsor sa souvenir program! Black & White pa! Si Papa, ¾ ng souvenir program ay sa kaniyang anak! All in colored pa, ha?
Nakngteteng! Talo anak ni Papa! Pati na rin ang mga batang ang mga magulang ay nagpasok ng mas maraming sponsors at pera sa kaban ng organizers! Nag-iyakan ang mga bata, lalo na ang mga magulang. Ayaw na raw nilang sumali sa ganuong klaseng pageant, na nagpapalit ng ground rules at midstream. Kawawa raw ang kanilang mga anak, Nagagamit sa paggawa ng pera. Kaya’t next year daw ay kanilang…
Ibo-boycott ang pageant ng mga bata sa Toronto.
****
SHORT ORDER: Our Princess Iyam Lauren D. Tierra, eldest of two daughters of my youngest daughter Yeng and Laurence, graduated from the SK level this month and would be in Grade 1 next September! She also turned 6 this June 28! Congratulations, to our Princess, from Papa and Mama and sister 3-year-old Yumi Lara, and the whole Datol and Tierra families all over the globe. We are proud of you, YUMI! God Bless.

No comments: