Part 2
… dumating na sa kalagitnaan ng show at mukhang minamalas na si Inday…
Kris: Ok Inday, mukhang kelangan na natin ng tulong sa mga friends mo… sino ba yung bigotilyong lalaki na naka-polo? Ano name nya?
Inday: Ahh, that’s my master Mr. Montemayor.
Kris: Ahhh sya pala yun, how cute naman pala eh. Sige sir, give us a number.
Mr. Montemayor: Hi Kris, good evening. I’m a fan. I choose number 12 please.
Kris: Ano Inday ok ba yung number 12?
Inday: Whatever, we shouldn’t bite the hand that feeds us anyway. Go ahead.
Kris: [taray naman] Sofie, buksan na! [ang laman ng briefcase 12 ay 5,000]
Kris: Good job! Sino naman yung gwapong lalake na naka jumper na katabi ni Mr. Montemayor? What’s his name?
Inday: Ahh, that’s my on again off again boyfriend, Dodong the gardener.
Kris: Ooohh, sya pala yun. Ok Dodong, give us a number!
Dodong: Hi babes, I choose briefcase 9 if it’s ok with you. If not, it’s ok with me as long as it’s ok with you.
Kris: Ano raw? Inday, number 9 daw ok say0?
Inday: Yes Kris, it’s fine with me.
Kris: Wow ang bait pag kay Dodong. Ederlyn… buksan na!!
…nanlaki ang mga mata ni Inday at hindi sya makapaniwala. Natahimik at mukhang kakapusin sya ng hininga…
Inday: YOU!!! How dare you invade my moment!
[nagulat si Kris at ang mga audience sa reaksyon ni Inday. Nagpatawag si Kris ng commercial break at nagpakuha ng tubig para kay Inday.]
Nagkatitigan sina Inday at Ederlyn. Nakangisi si Ederlyn habang hawak ang briefcase ni Inday.
Ederlyn: Pinapangako ko, Inday… pagbukas luluhod ang mga tala! hahahahaha!
Inday: What? Can you speak up? What are you mumbling up there. Can somebody give her a microphone please?
Kris: Ano ba!! Tama na nga ang drama ninyo, Ederlyn buksan mo na ang case at umexit ka na kung ayaw mong mapalitan! (naiirita na si Kris)
Dali-daling binuksan ni Ederlyn ang briefcase at ang laman ay… P3,000,000.
Nanghinayang ang mga audience… Ang mga natirang values ay 250, 1K, 20K, 50K, and 500K.
Inday: NooOoo…. (sabay tingin kay Dodong at napapaluha), how could you…
Dodong: I’m so sorry Inday, please forgive me.
Kris: Hayyy, drama again. Ang offer ni banker sa pagbabalik ng Kapamilya, Deal.. or No Deal!
[pagtapos ng commercial break… mukhang composed na ulit si Inday]
Kris: Inday, are you okay? Ang offer ni banker ay 99 thousand pesos. ‘Sing rami siguro ng pilipinong pinadugo mo na ilong. Is it a Deal or No Deal?
Tahimik lang si Inday tilang may kinocompute sa ulo habang ang mga audience ay nagsisigawan ng “No Deal”, ang iba naman ay “Deal”.
Kris: Wait lang, kung mapapansin ninyo we have only have 5 cases left, and among those 5, apat doon ay mas maliit na value…
Inday: Kris, do you mind? Can I do my own thinking?
Natameme si Kris, pati ang audience ay natahimik.
Kris: Taray to the max! (pabulong sa sarili)
Inday: Ok, I’m ready. Upon looking at the reality of the situation, 80% of the cases left have at least 49K less than the banker’s offer. The only way I can do better than what is offered is that if my case contains the 500k or I’d get to open one of the four lower values. But I have to keep in mind that there’s only 20% probability that this would happen. I have to take note, however, that the banker’s offer is roughly around 15% lower than the offer I expected based on the arithmetic mean of the values left.
Kris: Lorddd… panaginip ba ‘to? Ayokonaaa….
Inday: Accepting a deal for less than the mean should generally be regarded as a weak decision so I would say, NO DEAL!
Limang briefcase na lang ang natitira at kasama na doon ang case ni Inday…
Kris: My God, nakaka-stress itong episode na ito ha. Baka dumugo na rin ang ilong ko sa’yo Inday. Sige Inday, go ahead and choose 1 briefcase!
Inday: Ok Kris, I choose briefcase #5 please?
Kris: Briefcase #5! Mimi bago mo buksan yan I would first like to thank Figliarina by Schubizz for my sandals, Bambi Fuentes for my hair and make-up and Pepsi Herrera for my gown tonight.
Kris: Ok Mimi, buk…
Inday: Ahh Kris, can I also take time to thank a few people? I mean, I did save us a few minutes of airtime right?
Kris: (“kapal naman talaga ng mukha”…bulong sa sarili) Sige, ok lang go ahead. (naka-smile pa rin)
Inday: Thanks! Yes, I would like to thank Frank Provost for my hair and make-up, Jimmy Choo for my sandals and my dear friend Oscar dela Renta for my gown tonight.
BLAG!! Tinumba ni Kris ang podium at nagwalk-out. Hindi na natapos ang show kaya’t binigyan na lang ni Banker si Inday ng kalahating milyon para sa kanyang oras.
Inday: Oh, and thanks to the people of Cartier for sending me these nice earrings for tonight!
[Ito ang isa sa mga un-aired episode ng Kapamilya, Deal or No Deal]
Friday, December 27, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment